PANGWAKAS, Panuto: Gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan, lumikha ng isang alamat, tungkol sa inyong lugar. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay., Goal (Layunin), Nakasusulat, ng isang alamat na nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,, panlunan at pamaraan na may hudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari., Role (Gampanin), Ikaw ang napili bilang kinatawan ng inyong lugar sa gaganaping patimpalak sa, pagsulat ng alamat na may temang, 201cRehiyon Tatlo, Ipagmalaki Mo!201d, Audience (Manonood), Mga kapwa Pilipino., Situation (Sitwasyon), Bilang kinatawan ng inyong lugar, ikaw ay naatasang magbahagi ng kakaibang bagay, na tampok sa inyong lugar., Product (Produkto), Isang alamat tungkol sa kakaibang bagay na makikita sa inyong lugar na siyang, kikintal sa mga mambabasa., Standard (Pamantayan), Rubrik sa Pagmamarka ng Alamat, Masining na nailahad ang konseptong alamat, 5 puntos, Organisado ang pagbabanghay/, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, Spuntos, Nakagamit ng lima o higit pang uri ng pang-abay, 5 puntos, Wastong gamit ng mga salita at naaangkop sa sulatin, 5 puntos, Kabuuang Puntos, 20 puntos

Posted on


PANGWAKAS


Panuto: Gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan, lumikha ng isang alamat
tungkol sa inyong lugar. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang angkop na pang-ugnay.
Goal (Layunin)
Nakasusulat
ng isang alamat na nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan na may hudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Role (Gampanin)
Ikaw ang napili bilang kinatawan ng inyong lugar sa gaganaping patimpalak sa
pagsulat ng alamat na may temang, “Rehiyon Tatlo, Ipagmalaki Mo!”
Audience (Manonood)
Mga kapwa Pilipino.
Situation (Sitwasyon)
Bilang kinatawan ng inyong lugar, ikaw ay naatasang magbahagi ng kakaibang bagay
na tampok sa inyong lugar.
Product (Produkto)
Isang alamat tungkol sa kakaibang bagay na makikita sa inyong lugar na siyang
kikintal sa mga mambabasa.
Standard (Pamantayan)
Rubrik sa Pagmamarka ng Alamat
Masining na nailahad ang konseptong alamat
5 puntos
Organisado ang pagbabanghay/
pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Spuntos
Nakagamit ng lima o higit pang uri ng pang-abay
5 puntos
Wastong gamit ng mga salita at naaangkop sa sulatin
5 puntos
Kabuuang Puntos
20 puntos​

ac8b303a500aeeb38986ee6e55721857

Answer:

                                        “Ang Alamat ng Sabon

Noong una , sa isang malayong baryo sa bayan ng Kalilayan. May isang dalagang nagngangalang Savone. Maganda sana si Savone, matangkad, maputi, at matalino rin. Maalam rin siya sa mga gawaing bahay maliban na lamang sa paglalaba.

Masipag maglaba si Savone ngunit kahit anong gawin niyang kusot, pukpok at piga sa damit ay hindi masaid-said ang libag at dumi nito. Isang bagay na lubos na ikanagagalit ng masungit niyang nanay na si aling Maria.

Tuwing umaga nagsisimula na maglaba si Savone sa ilalim ng mayabong na puno ng Ilang-ilang. Ibinubuhos ang lakas at pinipilit linising mabuti ang damit na pinalalabhan sa kanya ni aling Myla at nang dumating ang ale ay  sa pagbungad pa lang ay napansin na niya ang dumi sa laylayan at gayaran ng damit. At sa galit na galit na tinig ay kanyang sinabi “kanina mo pa yan nilalabhan! Ang dumi-dumi pa rin. “Hindi mo ba nakikita yan? Yang mga duming yan! Yan!” Gigil na gigil pa rin si aling Myla. At nasambit niya. “Sa susunod?! Sa susunod ka diyan! Dapat yan! Yan na lang sanang muka mong yan ang ikuskos sa mga damit ko para kitang-kita mo ang mga dumi at nang luminis ang mga damit na lalabhan!” Halos mapatid ang mga litid ng ale sa pagsasalita na sinabayan pa ng pagduro sa muka ni Savone.

Ang hindi alam ni Aling Maria , narinig ng mga diwatang naninirahan sa puno ng Ilang-ilang ang mga huli niyang sinambit at inakalang isa iyong hiling.  Sa pagbalik niya ng hapon na iyon mula sa Pulong. Wala pa rin si Savone sa bahay at lahat ng bilin niya ay di rin nagawa. Galit na galit siyang sumugod papunta sa punong Ilang-ilang sa pagaakalang naroroon ang dalaga. Ngunit wala! Wala ito roon! Wala kahit anino ng dalagang si Savone. Ang naroon lamang ay ang labadang hindi pa rin nagagalaw at ang kakatwang puting bagay sa ibabaw nito.

Sa sobrang galit ay napagbalingan niya ang labada. Hinablot niya ang mga ito at sa paghablot niya ay di sinasadyang napakuskos ang puting bagay sa isang damit. Napansin niyang tila naglabas ito ng mga bula at nang kakaibang bango ,sa pagtataka ay ipinagpatuloy niya ang pagkuskos ng bagay na puti sa damit. At bumubula nga! Natatagkal ang mga dumi! Lumilinis ang damit sa bawat kuskos lalung-lalo na kung sasabayan ng kusot. At habang tumatagal naamoy niya ang isang bango, bangong katulad ng amoy ng pabango ni Savone. At dahil duon ay naala niya ang anak at ang pagbabanta niya dito nuong nakaraang araw. Ginaya ng mga negosyante ang unang Savone gamit ang ibat-ibang sangkap. At ipinagbili ito. Sa bawat pagtatanong ng mga bumili at nagsigamit, wala silang naging tugon kundi “Savone, Savone ang pangalan niyan! Oo Savone, Savone nga iyan!”.Yung nga ang alamat ng Sabon,wakas. 


Leave a Reply

Your email address will not be published.