Gumawa ng tula tungkol sa iyong pasasalamat sa ating mga frontliners at maaari mong sundin ang ilang gabay sa pagsulat nito, 1) ang gagawing tula ay may sukat at tugma, 2)Ito rin ay naglalaman ng tayutay o idyoma, 3) Ang sukat ng tula ay naglalabindalawahin, 4) May apat na saknong na tig aapat na taludtod, 5) Iakma ang tula tungkol sa iyong pasasalamat sa mga frontliners

Posted on


Gumawa ng tula tungkol sa iyong pasasalamat sa ating mga frontliners at maaari mong sundin ang ilang gabay sa pagsulat nito


1) ang gagawing tula ay may sukat at tugma
2)Ito rin ay naglalaman ng tayutay o idyoma
3) Ang sukat ng tula ay naglalabindalawahin
4) May apat na saknong na tig aapat na taludtod
5) Iakma ang tula tungkol sa iyong pasasalamat sa mga frontliners​

“Salamat”

(Para sa kawani sa kalusugan, lansangan, basurero, panadero/a, taga palengke, boluntaryo, tagapagpaganap sa barangay, social workers, taga gawa ng batas, nagpapatupad ng batas, bumubutas sa batas, pamilya ng mga pumanaw at lumalaban na wag pumanaw, tagadasal, nagsusulat at naglalathala, nagugutom at namatay sa gutom dahil sa lockdown, atbp)

Sa inyo aming alay

Kayong nagliligtas ng buhay

Meron din kayong pangamba

Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap sa nakaambang pangani

Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan

Kahit nasa bingit ng kamatayan

Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona

Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling

Taimtim na panalangin

Matapos na sana, salot ni Corona

Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot

Matigil na bumabalot na lungkot!

Naririnig namin, taimtim nyong panalangin

Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay…

Naririnig namin taimtim nyong panalangin

Matapos na

Magapi na

Kamandag ni Corona

Upang makauwi naman

Makapiling mga mahal sa buhay!

Dalangin nyo, tumatagos sa hangin

Dalangin nyo, aming naririnig

Sinasabayan namin inyong panalangin

Sana’y makamtan nga inyong hinihiling…

Matapos na

Magapi na

Kamandag ni Corona

Matigil na bumabalot na lungkot

Matigil na takot na dulot

Matigil na…!

Explanation:

SANA PO MAKATULONG


Leave a Reply

Your email address will not be published.